Noong 2011 ay kumakalat na na ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatag ng Tanggol Wika. Ika-3 ng Oktubre 2012 nagkaroon ng petisyon ang mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo at humhiling sa CHED at DepEd na ipahinto ang implemetasyon ng senior high school/junior college at RGEC o Revised General Education Curriculum sa ilalim ng K to 12 ay pinangangambahan na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo upang mas lalong mahasa ang pagsasalita sa wikang Ingles at hindi sa wikang Filipino. Kaya inilabas noong ika-7 ng Disyembre 2012 ng Departamento ng Filipino sa DLSU ang "Posisiyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum" na may pamagat na "Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at aSihnaturang may Mataas na Antas." ang nasabing akda ay si Ramilito Correa.
Gayunpaman binibigyang diin na babawasan ang mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ito sa senior high school at ito ay pangunahing target sapagkat isang asignaturang Filipino (retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior high school na nasa "K to 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher educators, School Administrators, and Teachers (2012).
Noong ika- 28 ng Hunyo 2013 , inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa natas tersarya, at ang balita pa ay kinumpirma ng CHED na walang Filipino sa planong kurikulum sa ilalim ng K to 12 alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997 na dati ay tatlo hanggang anim na yunit ng Panitikan. Sa Sekyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging optional na lamang ang asignaturang Filipino bilang midyum ng pagturo na noo'y mandatoriya wikang panturo sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento