Sabado, Setyembre 8, 2018

Adbokasiya ng Tanggol Wika 3- 4

Noong ika-3 ng Marso sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucile Roxas na gumawa ang may-akda ng panibagong liham-petisyon na nala-address sa CHED. Linausap naman nina Prop. Jonathan Geronimo at Prp. Crizel Sicat-De Laza ng UST ang mga kalapit na unibersidad ng UPD, UPM, ADMU, PNU, San Beda, NTC, MC, at mga pangwika gaya ng Pambansang Samhan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), Pambansang Asosasyon ng Mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS), at Sanggunian sa Filipino (SANGFIL). Humigit kumulang 200 na pirma agad natipon at dinala sa CHED ang nasabing liham-petisyon. Noong ika-2 mg Hunyo 2014 sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreas ng DLSU ay nakipagdiyalogo sina CHED Commissioner Alex Brilliantes Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU,UPD UST, at MC, at Marinduque State University. Napagkasunduan na muling sumulat sa CHED upang magkaroon ng asignaturang Filipino sa tersarya.

    Noong ika-21 ng Hunyo 2014 si Dr. Rowell MAdula, vice-chair noon ng  Departamento ng Filipino ng DLSU at pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Pribadong paaralan ang nakaisip ng pangalan ng Tanggol Wika. Noong ika-4 ng Hulyo 2014 nagpatawag ang CHED ng konsultasyon dahil sa demand ng Tanggol Wika. Nkatulong ng malaki ang mabilis na pagsulong at popularisyon ng Tanggol Wika, maalaking tulong  din ang inilabas ng UPD na  dokumentaryo gaya ng "Sulong Wikang Filipino" (panayam kay Dr. Bienvinido Lumbera) at "Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?" gayundin sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa" na inilabas noong Setyembre 2016
Share:

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento