Sabado, Setyembre 8, 2018

Adbokasiya ng Tanggol Wika

GROUP #5

Tricia Escosia Terrado

Jhelo San Luis

Adrian Obial

Rhoi Tanael

Lance Peliña

Roen Joshua Peji

Janleo Bawar

Stephen Ivan Llorente

Axel Delos Reyes
_________________________________________________________________________

MAIKLING KASAYSAYAN
NG ADBOKASIYA
NG TANGGOL WIKA


 Noong 2011 ay kumakalat na na ang plano ng gobyerno na pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatag ng Tanggol Wika. Ika-3 ng Oktubre 2012 nagkaroon ng petisyon ang mga instruktor ng Filipino sa kolehiyo at humhiling sa CHED at DepEd na ipahinto ang implemetasyon ng senior high school/junior college at RGEC o Revised General Education Curriculum sa ilalim ng K to 12 ay pinangangambahan na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo upang mas lalong mahasa ang pagsasalita sa wikang Ingles at hindi sa wikang Filipino. Kaya inilabas noong ika-7 ng Disyembre 2012 ng Departamento ng Filipino sa DLSU ang "Posisiyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum" na may pamagat na "Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang Larangan at aSihnaturang may Mataas na Antas." ang nasabing akda ay si Ramilito Correa.

    Gayunpaman binibigyang diin na babawasan ang mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ito sa senior high school at ito ay pangunahing target sapagkat isang asignaturang Filipino (retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior high school na nasa "K to 12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher educators, School Administrators, and Teachers (2012).


    Noong ika- 28 ng Hunyo 2013 , inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa natas tersarya, at ang balita pa ay kinumpirma ng CHED na walang Filipino sa planong kurikulum  sa ilalim ng K to 12 alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997 na dati ay tatlo hanggang anim na yunit ng Panitikan. Sa Sekyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013 ay naging optional na lamang ang asignaturang Filipino bilang midyum ng pagturo na  noo'y mandatoriya wikang panturo sa ilalim ng CMO No. 59, Series of 1996.



Nag udyok sina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas na mga batikan at premyadong manunulat ng DLSU na gumawa ng panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED at may petsang Marso 3,2014. Kinausap nina Prop. Jonathan Geromino at Prop. Crizel Sicat-De Laza ng UST ang mga kaibigan at kakilalang guro mula sa ibat ibang unibersidad gaya ng UST, UPD, UPM, ADMU, PNU, SBU, PUP, NTC, MC at ang mga samahang pang wika gaya ng PSLLF, PATAS, at SANGFIL. Humigit-kumulang 200 na pirma ang natipon. Dinala sa CHED ang nasabing liham-petisyon ngunit walang aksyon ang CHED dito, bagamat sinabi nila na nabanggit ito sa kanilang internal miting. Noong Hunyo 2,2014 nagkaroon ng paguusap si Dr. Antonio Contreras ng DLSU at 2 komisyuner ng CHED. Nakasaad dito na muling sumulat sa CHED upang pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama ang kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya. Agad na ipinadala ang liham sa CHED noong Hunyo 16,2014. Noong Hunyo 21,2014 nabuo ang Tanggol Wika kung saan nagsama-sama ang mga apektado para labanan ang CMO No.20 Series of 2013. Noong Hulyo 4,2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Simula lamang iyon ng napakarami pang pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa diyalogo ng mga opisyal ng CHED na nooy hindi pa kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Nakatulong ng malaki sa mabilis na pagsulong at popularisasyon ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang maagap na media reports tungkol sa isyung ito gaya ng ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014) para sa GMA News Online, ni Steve Dailisan (2014) para sa State of the Nation ni Jee Geronimo (2014) sa Rappler.com at ni Anne Marxze Umil (2017) para sa bulatlat.com na sinundan pa ng mga mas maraming ulat mula sa iba pang media outfit. Malaking tulong rin ang mga dokumentaryong inilabas ng mga guro mula sa UPD gaya ng Sulong Wikang Filipino at Sulong Wikang Filipino: Edukasyong Pilipino, Para Kanino?. Gayundin ang Sa Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa.


Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunod-sunod ang mga forum at asembliya, diyalogo at kilos-protesta ng tanggol Wika buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga adbokasiya nito, ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED.

Noong abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema and Tanggol Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers Partylist  Rep. Antonio Tinio, Anakpawis partylist Rep. Fernando Hicap, Kabatan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiya at unibersidad.

inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT teachers partylist)
Atty. Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San Juan, ang nasabing petisyon.
Ang 45 pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino
Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No 20, series of 2013 sa mga probisyon sa kontitusyon gaya ng  Artikulo XIV, Seksyon 6; Artikulo XIV, Seksyon 14,15, at 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 ng konstitusyong 1987, at sa mga batas gaya ng Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act”.


Halos isang linggo pagkatapos ng pagsampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng TRO o Temporary Restraining Order noong ika-21 ng abril 2015, Tanggol Kasaysayan  naman ay itinaguyod ang panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul sa ilalim ng k to 12, itinatag din ng PUP ang KMed o Kilos Na Para SA Makabayang Edukasyon noong ika-25 ng Agosto  2017 at masasabing PUP ang maasahang pinakamalakas at  maasahang balwarte ng Tanggol Wika lalo na sa pagsagawa ng  kilosprotsta na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai. Masasabing naging matagumpay sa pangkalahatan ang adbokasiya ng Tanggol Wika dahil ngayon ay may Filipino at Panitikan pa rin sa kolehiyo.

    Mainamn na balika ang iba't-ibang posisyong papel na maka wikang Filipino upang patuloy na maipalaganap ang kahalagahan ng wikang Filipino sa iba't-ibang antas ng edukasyon. 



Share:

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento